Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga gulay sa Kabacan Public Market, tumaas ang presyo

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 18, 2015) ---Bagama’t nakakaranas na ng pag-ulan sa probinsiya ng North Cotabato ay di pa rin bumaba ang mga presyo ng gulay sa pamilihang bayan Kabacan sa halip ay sumipa pa ang presyo sa ilan sa mga ito.

Ito ayon kay Ginoong Jainarasul Atih ang isa sa mga may-ari ng tindahan ng gulay sa Kabacan Public Market sa panayam ng DXVL News, ito ay dahil na rin umano sa pagtaas rin ng presyo ng mga gulay mula sa kanilang supplier sa bayan ng Makilala.


Anya ang repolyo na dating mabibili P40-P50/kilo ngayon ay nasa P70-P80/kilo na, ang sayote  na dating 2 piraso sa kada P5, ngayon ay P10/piraso na, ang siling maanghang na dating P5 sa bawat isang pouch ng powder ngayon ay P30 na, ang radish  na datiy P30/kilo, ngayon ay P60/kilo na, at ang kentucky na dati mabibili sa P30/kilo ngayon ay P50-P60/kilo narin.

Samantala, nanatili namang normal ang presyo ng iba pang gulay, rekado kasali narin ang presyo ng bigas, isda at mga karne.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento