Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Rural Transit Bus, hi-nold-up sa Matalam, North Cotabato; Libung halaga ng collection ng conductor nalimas

Rhoderick BeƱez

(Matalam, North Cotabato/ May 19, 2015) ---Abot sa mahigit P3,000.00 na halaga ng cash ang natangay ng dalawang mga holdaper makaraang mahold-up ang isang Rural Transit Bus sa Purok Santol, Brgy. Central Malamote, Matalam, Cotabato alas 5:30 kaninang umaga.

Sa report na ipinarating sa DXVL News ni SPO4 Froilan Gravidez ng Matalam PNP buhat sa Tacurong city ang Rural Transit Bus na may body number 202 at license plate KBG 769 patungong Cagayan de Oro ng mahold-up sa nasabing lugar.

Ang nasabing bus ay minamaneho ni Oliver Cabolong, 51-anyos, may asawa at residente ng Don Carlos, Bukidnon kasama ang kanyang konduktor na si Rodel Caro, 35-anyos at residente ng Danragan, Bukidnon.

Batay sa inisyal na ulat, dalawang di pa nakilalang mga lalaki ang pumara sa harapan ng Headquarters ng 38th IB, Brgy. Dalapitan, Matalam, Cotabato at sumakay sa nasabing Bus.

Pero pagdating sa Brgy. Central Malamote ng nasabing bayan ay nagdeklara ng hold-up ang mga ito at kinuha ang collection ng conductor na abot sa P3,000.00.

Agad namang tumakas ang mga salarin sa direksiyon ng Central Malamote.

Patuloy naman ngayong tinutugis ng mga otoridad ang mga suspek na responsable sa nasabing krimen.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento