Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Panukalang batas hinggil sa pagkakaroon ng Speed Limit sa National Highway, isusulong ng SB

Photoby: F. Cabrera
Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 21, 2015) --- Isasalang na sa Sangguniang Bayan ng Kabacan ang panukalang batas hinggil sa pagkakaroon ng Speed Limit sa National Highway sa bayan ng Kabacan matapos na magkaroon na ng amendment sa isinagawang Committee Meeting sa SB Session Hall kahapon.

Sa nakalap na impormasyon ng DXVL News Team, kasama sa dumalo sa nasabing pagpupulong sina  ABC President Raymundo Gracia, Councilor Herlo Guzman Sr., Councilor Rosman Mamaluba, Councilor Geoge Manuel at Councilor Jonatahan Tabara  na mga may hawak ng mga ng mga komitiba ng Peace and Order, Public Safety and Human Rights, Drug Abuse at Transportation and Communication Committee, Kabacan PNP na dinaluhan ni PI Arvin Jhon Cambang sa katauhan ni OIC Chief PSI Cordero at Kabacan TMU Ret. Col Antonio Peralta.


Nabatid na kinopya ang nasabing panukala mula sa bayan ng Polomoloc sa lalawigan ng South Cotabato.

Napag alamang sinubukan pa umano ng mga opisyal na dumalo kung gaano nga ba kabilis ang takbo ng sasakyan mula sa 30kph hanggang 40kph.

Pagkatatapos nito ay isasalang na sa SB bayan ang nasabing panukala na kung saan ay dadaan pa ito sa una hanggang sa huling pagbasa.


Kung tuluyan mang magiging batas ang nasabing ordinansa ay malaking tulong ito sa pag limita ng mga aksidente sa National Highway at pati narin sa pagsugpo ng kriminalidad sa bayan.  

0 comments:

Mag-post ng isang Komento