Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

MILF Spokesperson Jabib Guiabar, nirerespeto ang katayuan ng isang Sultan ng Sulu sa BBL

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2015) ---Iginagalang umano ng MILF ang katayuan ni Sulu Sultanate Abraham Adjirani na direktang nagpapahayag ng oposisyon sa BBL.

Ayon kay MILF North Cotabato Spokesperson Jabib Guiabar sa panayam ng DXVL News, nirerespeto umano nila ang katayuan ng nasabing personahe sapagkat bawat-isa naman umano ay may karapatang maglalabas ng kanyang opinyon at pananaw.


Subalit, kung ano man ang kalabasan nang ginagawang botohan sa kongreso ay siya paring mananaig.

Umaasa rin ang opisyal na balang araw ang maiintindihan rin ng mga taong may ibang pananaw sa BBL na ito ang makakapagbuklod sa mga mamayang moro sa Mindanao.


Matatandaang nagbigay ng Pronouncement si Sulu Sultanate Abraham Adjirani na hindi umano nito makakalimutan ang mga kongresistang boboto at papabor sa BBL sapagkat patunay umano ito na traydor ang mga ito sa katotohanan at kasaysayan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento