Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 simbahan at 5 kabahayan, natupok sa sunog sa Carmen North Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Carmen, North Cotabato/ May 18, 2015) ---Nanawagan ngayon ang BFP Kabacan sa mga mamamayan sa bayan ng Carmen na ireport kaagad kung meroong nangyaring sunog sa kanilang lugar makaraang natupok sa sunog ang limang kabahayan at isang simbahan sa Manuvo village, Carmen, North Cotabato noong biyernes ng tanghali.

Ayon kay FSI Ibrahim Guiamalon sa panayam ng DXVL news, naaabo ang isang Esperito sa Kamatuoran na simbahan na kung saan nakapangalan kay Mila Manolas bilang caretaker, kasama ang mga bahay nina Rolinda Angcalip, Pacita Pillio, Lorena Bagnes, Felipe Manolas at Noemi Pillio na siyang pinaniniwalaang pinagmulan ng sunog.


Lumalabas sa ginawang imbestigasyon ng Kabacan BFP na wala umano ang mga naniniratahan sa nasabing mga kabahayan dahil panahon umano ng anihan at may nagluto umano ng pananghalian sa bahay ni Noemi at pagkatapos magluto at umalis ito na iniwang nakatiwang-walang ang pinaglutuan na mula sa kahoy.

Dagdag pa ng opisyal na, na sinubukan umanong apulain ng mga residente sa lugar ang nasabing sunog sa pamamagitan ng mga timba at mga tabo ngunit di ito naagapan.

Nabatid na nakaligtaan umano ng mga residente huminge ng saklolo sa Kabacan BFP.

Umabot na umano sa limang kabahayan ang natupok bago pa humingi n tulong sa kanila ayon pa kay Giuamalon.

Aniya, mga lima o anim na metro lamang ang layo ng mga kabahayan kung kaya’t na abo kaagad ang mga ito.
Tinatayang nasa isandaan limampong libong piso ang danyos ng naturang sunog o P150,000.

Wala namang naitalang nasaktan o nasugatan sa nasabing insidente.

Nagpa-alala naman si FSI Guiamalon sa mga mamamayan na huwag kaligtaan ang maagap na pagre-report ng sunog sa BFP.

Inihayag din ni FSI Guiamalon ang landline ng BFP na 160 at patrol 117 o ang cellphone no. na 0999-990-4972 na maaring i-contact kapag may nangyayaring sunog sa inyong lugar.

Nabatid rin mula sa opisyal na ang BFP Kabacan ay central fire station na sakop ang area ng bayan ng Kabacan at bayan ng Carmen North Cotabato.

Ipinaliwanag din ng opisyal na mas mainam umano na patayin ang naiwang baga mula sa kahoy sa pamamagitan ng pagpapagpag hanggang sa mawala ito kaysa sa buhusan ito ng tubig.


Nasa scientific explaination po kasi na kapag binuhusan ng tubig ang nasabing baga na mula sa kahoy ay pupunta sa ilalim ng lupa ang init nito at maari pa ring maging dahilan ng sunog sapagkat malaki parin ang posibilidad na magliyab ito.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento