By: Christine
Limos
(Kabacan, North Cotabato/ May 20, 2015) ---Pinabulaanan
ni North Cotabato MILF spokesperson Jabib Guiabar ang report na nagkaroon umano
ng suhulan sa mga congressman sa pag apruba ng BBL.
Sa panayam ng DXVL news binigyang diin ni
Guiabar na hindi umano sinuhulan ng Malacañang ang ilang miyembro ng kongreso
upang bumuto pabor sa BBL.
Aniya, ang tiningnan umano ng mga congressman na
pumabor sa BBL ay ang kalutasan ng kaguluhan sa Mindanao.
Inihayag din ng opisyal na legal at hindi
labag sa batas ang pinirmahan noong 2012 at nung nakaraang taon sa
Comprehensive Agreement on Bangsamoro o CAB at plantsado na umano ang BBL.
Kung
mayroon man umanong mga pag amyenda ay mga pagbabago lamang sa title ng mga
probisyon.
Naniniwala rin si spokesperson Guiabar na sa Hunyo 11 ay maisasabatas na ang BBL na
alinsunod sa deadline ng Office of the Presidential Adviser on the Peace
Process o OPAPP.
Dagdag pa niya na hindi lamang Bangsamoro
ang makikinabang kung maipapasa ang BBL kundi ang lahat lalo na ang mga
negosyante.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento