By:
Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ May 19,
2015) ---Nasakote ng mga otoridad ang isang karnaper sa inilatag na drag-net operation ng mga kapulisan sa Sitio
Lote, Brgy. Kayaga, Kabacan Cotabato kahapon ng hapon.
Kinilala ni PSI Ronnie Cordero ang
OIC Chief ng Kabacan PNP ang suspek na isang Naser Kadi, 35 anyos, may asawa,
walang trabaho at residente ng bayan ng Pagalungan sa lalawigan ng Maguindanao.
Lumalabas sa inisyal na
imbestigasyon, agaran umanong nag-report sa kanilang himpilan si Ramsea Abdul
Raman, 18 anyos, residente ng Brgy. Dagupan sa bayan matapos umanong mawala ang
minamaneho nitong isang Sunriser 125 habang nakaparada lamang sa isang tindahan
sa National Highway ng Brgy. Poblacion.
Agad nagsagawa ng dragnet operation
ang Kabacan PNP.
Agad namang nasakote ang suspek at
kasama ang motorsiklo sa pakikipagtulungan ng BPAT, mga Brgy. Officials at ng
Kabacan Radio Group dagdag pa ni Cordero.
Nabatid mula sa opisyal na ito ay
dahil umano sa agarang pag rereport ng nasabing insidente sa kanilang himpilan
na agad naaksyonan kasama ang mga force multipliers.
Nanawagan naman ang opisyal sa mga
mamayan na ipagpapatuloy ang agarang pagrereport ng mga insidente hindi lamang
sa kaso ng karnaping kundi sa lahat na uri ng krimen upang maaksyonan kaagad.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento