BM Kelly Antao |
Christine
Limos
(Kabacan, North Cotabato/ May 21,
2015) ---Ikinagagalak ng Provincial Government of North Cotabato ang paglusot
ng Bangsamoro Basic Law o BBL sa House Ad hoc Committee.
Ayon kay North Cotabato 1st
District Board Member Kelly Antao sa panayam ng DXVL News, mas marami umano sa
mga lideres sa lalawigan na naniniwalang ang BBL ang magiging daan at susi
tungo sa matagal nang minimithing kapayaan.
Anya sila rin ay nagagalak sa
nangyaring botohan ng Ad Hoc Committee.
Dagdag pa ng opisyal na kung sakaling
mapirpirmahan ng pangulo ng Pilipinas ang BBL ay tuluyan ng magiging batas ito.
Pagkatapos nito ay muling dadaan sa
plebisito ang 39 na mga barangay mula sa lalawigan ng North Cotabato kung
papayag ba silang magiging bahagi sila ng Bangsamoro Territory kagaya ng
nangyaring plebisito noong taong 2001 na kung saan ay pumayag din ang nasabing
mga barangay na magiging bahagi ng Autonomous in Muslim Mindanao o ARMM.
Nabatid mula sa opisyal na 36 mula sa
39 na mga barangay sa lalawigan ay buhat sa 1st District at 3 naman
mula rito ang mula sa ikatlong distrito.
Samantala sa kaugnay na balita,
malaki naman ang paniniwala ng opisyal na maiipasa ang BBL.
Anya, pagkatapos umano nang nasabing
botohan sa Ad Hoc Committee ay susunod naman na boboto kung papabor ba sa BBL
ang lahat ng mga kongresista sa sa buong bansa.
Nagbigay din nang pahayag ang opisyal
hinggil sa mga haka haka kung sakali mang maipapasa na ang nasabing batas sa
Bangsamoro Basic Law.
Nirerespito niya umano ang pananaw ng
bawat isa hinggil sa nasabing usapin, subalit malaki ang kanyang paniniwalang
ang nasabing Bangsamoro Government ay magiging katuwang ng National Government
sa pagsugpo ng karahasan sa magiging sakop nito na siyang magiging daan tungo
sa matagal nang minimithing kapayapaan sa Mindanao.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento