Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

LGU Kabacan, tiniyak na babayaran ang utang sa street lights!

By: Sarrah Jane Corpuz Guerrero

(Kabacan, North Cotabato/May 17, 2015) ---Sa isang pahinang liham na ipinadala ng Cotabato Electric Cooperative, Inc (COTECLO) sa tanggapan ni Hon. Mayor Herlo P. Guzman, Jr  na natanggap, May 14, 2015, naninidigan ang pamunuan ng COTELCO na ibabalik lamang ang koneksyon ng kuryente sa mga streetlights sa barangay Poblacion kung ang Five Hundred Eighty One Thousand Seven Hundred Eighty Two and sixteen pesos ay mababayaran ng LGU Kabacan.
Matatandaan na humiling si Mayor Herlo P. Guzman, jr. sa pamunuan ng Cotelco sa pamamagitan ng kanyang liham na pinadala noong April 7, 2015, na ibalik ang nasabing kuryente sa mga streetlights para na rin sa kapakanan ng mga tao lalo pa at naghihigpit ngayon ang Pamahalaang Lokal sa seguridad ng Kabacan.

Ayon pa sa liham na pirmado ni Engr. Godofredo B. Homez ang General Manager ng COTELCO, sa kagustuhan nilang makolekta ang nasabing utang patuloy silang nagdidiskonek sa mga streetlights particular na sa Barangay Poblacion, kinakailangan umano nilang sundin ang mandatos ng nasabing Kooperatiba at upang magkaroon sila ng efficient collection.

Ayon naman sa pahayag ni Mr. Ben Guzman, ang Municipal Administrator ng LGU Kabacan, na siyang direktang nakikipag-ugnayan sa COTELCO, inaasahang matatapos ang negosasyon ng LGU Kabacan at COTELCO sa isang Memorandum of Agreement, base sa mapagkasunduan ng dalawang institusyon, sa susunod na linggo. Inaasahan ding maibabalik na sa madaling panahon ang nasabing kuryente upang hindi malagay sa alanganin ang seguridad ng Kabacan lalo pa at magbubukas na ang pasukan sa Hunyo. 

Dagdag pa niya, hindi nagpapabaya ang Lokal na Pamahalaan ng Kabacan sa responsibilidad nitong pagbibigay ng totoong serbisyo sa mga tao.


Ayon pa kay Mayor Herlo P. Guzman, Jr sa panayan sa kanya, ginagawa niya umano ito para sa kapakanan ng mga taga Kabacan at hindi dahil sa kung ano pa mang dahilan. 

Aniya, mas makatutulong pa umano sa proseso ng kaunlaran ng Kabacan kung isantabi muna ang mga pansariling kapakanan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento