Rhoderick BeƱez
(Maguindanao/
May 20, 2015) ---Ikinabaha ng pamunuan ng Buluan
PNP ang mga insidente ng pamamaril sa lugar kung saan kadalasang nangyayari
tuwing brown out.
Ayon kay PSI Alonto
Arobinto, hepe ng Buluan PNP, nangyari ang insidente sa kasagsagan ng
brown-out.
Sinabi ni Arobinto, nawawala
ang kuryente sa ilang bahagi ng Buluan tuwing alas sais hanggang alas otso ng
gabi kung saan sa mga oras na ito kadalasang nangyayari ang kaso ng pamamaril.
Umaapela ngayon ang
Buluan PNP sa Sultan Kudarat Electric Cooperative na gawan ng paraan ang
nangyayaring brown out sa kanilang lugar.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento