Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ May 21,
2015) ---Patuloy ngayon ang ginagawang distribusyon ng ayuda ang Local
Government Unit ng Kabacan sa mga naapektuhang magsasaka buhat ng naranasang
tagtuyot nitong nakaraang buwan sa bayan ng Kabacan.
Ayon Kabacan Municipal Disaster Risk
Reduction and Management Officer David don Saure sa panayam ng DXVL News,
nagsimula na silang mamahagi ng tulog sa mga ito mula araw ng Martes
kamakalawa.
Anya, inatasan na ni Kabacan Mayor
Herlo P. Guzman Jr. ang MSWD sa pakikipagtulungan ng Kabacan Incident Quick
Response Team upang siyang mamahagi sa nasabing tulong.
Target umano nilang tapusin ang
nasabing pamimigay sa loob ng 4 na araw.
Kanila umanong sinisigurong ang
mababahaginan ng tulong ay ang talagang mga nangangailangan bunga narin ng
naranasang paghihirap dahil sa nakaraang tagtuyot.
Humingi naman ng paumanhin ang
opisyal sa pagka antala sa pamimigay ng nasabing ayuda ngunit iginiit nito na
ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang maibigay ang nasabing mga tulong.
Nabatid rin mula sa opisyal na
nagkakaroon pa sila ng validation hinggil sa mga mababahaginan ng mga binhi
kagaya ng mais, palay, gulay at abono mula sa LGU sa pangunguna ni Mayor
Guzman, Department of Agriculture at Provincial Government upang makapagtanim
na ang mga ito.
Umaasa naman ang opisyal na hindi
masasayang ang kanilang ipamamahaging tulong.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento