Christine Limos
(Amas,
Kidapawan City/ May 18, 2015) --- Gaganapin ngayong araw ang launching ng
Regional Brigada Eskwela sa Minapan Elementary School sa Tulunan habang una na
ring isinagawa ang Division launching nito noong Miyerkules sa Katipunan
Elementary School sa Arakan, North Cotabato.
Ito
ay ayon kay DepEd Schools Division Superintendent Omar Obas sa panayam ng DXVL
news.
Dagdag
pa ng opisyal na isang linggo ang Brigada Eskwela 2015 na magsisimula ngayong
araw Mayo 18 at magtatapos sa Mayo 22.
Inihayag
din ni Superintendent Obas na magsisimula ang klase ngayong taon sa Hunyo a
uno.
Inimbitahan
din ng opisyal ang lahat ng sektor pati na ang LGU at mga magulang na makilahok
sa brigade eskwela 2015.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento