Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan PNP, LGU at iba pang sektor, naki-isa sa pagsisimula ng Brigada Eskwela sa bayan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2015) ---Kasabay ng pagsisimula ng Brigada Skwela sa bayan ng Kabacan ngayong taon, nakiisa kahapon sa isinagawang aktibidad ang Kabacan PNP, LGU, at iba pang sektor sa Kabacan Pilot Central Elementary School kahapon.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero, ang OIC Chief ng Kabacan PNP sa panayam ng DXVL News, kasama sila sa nasabing aktibidad ang MENRO ng LGU sa pangunguna ni Jerardo Laoagan, mga BPAT, mga Stakeholders, mga guro, at mga magulang ng mga mag-aaral sa nasabing paaralan.


Ang brigade eskwela ay isinasagawa sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa tuwing buwan ng Mayo o dalawang linggo bago magsimula ang klase.

Ito ay boluntaryong pagsasa-ayos ng mga sirang kasangkapan sa paaralan kasama na ang paglilinis ditto.

Dagdag pa ni Crdero na ito ang kanilang pakikiisa kasama ang LGU sa pangunguna ni Mayor Herlo P. Guzman Jr. sa kampanya ng DepEd na ihanda ang mga paaralan sa pagdating ng pasukan upang wala nang iba pang aatupagin ang mga mag-aaral sa kanilang muling pagbalik skwela para sa mas kalidad ng edukasyon.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento