Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

TMU nagsagawa ng Oplan Kolorum sa bayan ng Kabacan

Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 22, 2015) ---Nagsagawa ng Oplan Kolorum ang Traffic Management Unit o TMU sa bayan ng Kabacan kahapon. Sa panayam ng DXVL news kay TMU head retired Col. Antonio Peralta, inihayag nito na nakahuli sila ng pitong trysikel, anim na trysikad at sampung single na motorsiklo.

Aniya karamihan sa inilabag ng mga motorista ay walang rehistro ang motor, expired ORCR at walang kaukulang driver’s license.


Dagdag pa ng opisyal na noong nakaraang Abril pa sana ipapatupad ang oplan kolurom ngunit humingi ng palugit ang mga motorista. Ipinaliwanag din ni Peralta na hindi nila i-aanunsiyo ang joint operation na panghuhuli ng TMU upang masorpresa ang mga nag-ooperate na hindi sumusunod sa legal na batas.

Inihayag din ng opisyal na hindi niya iniinda ang mga pagbabanta sa kanyang buhay simula ng italaga siyang head ng TMU, ito’y alang alang umano sa kapakanan ng karamihan at para sa katiwasayan ng bayan ng Kabacan.


Sinagot din ng opisyal ang reklamo hinggil sa nagto-torno sa terminal ng Brgy.Kilagasan. Sinabi rin ni retired Col. Peralta na hindi niya papaburan ang mga naghahanap-buhay ng illegal.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento