Rhoderick
Beñez
(North Cotabato/ May 18, 2015) ---Kasabay
ng isasagawang botohan sa ad hoc committee sa Kamara
tungkol sa mga probisyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL), na
ipagpapatuloy na ngayong araw ng Lunes hanggang sa Miyerkules, Mayo 20 ay
isinasagawa rin ng grupong ICON-SP North Cotabato ang tatlong araw na
orientation ng Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ayon kay Tulunan Inter-peace zone
Coordinating Council Chairperson Max Casulukan, layunin nitong mas maipaliwanag
at maipaintindi sa publiko ang laman ng proposed BBL na magiging batayan ng
itatayong Bangsamoro Government.
Daan-ddang mga kaspi naman ng iba’t-ibang mga
organisasyon buhat sa bayan ng Tulunan at Colombio sa Sultan Kudarat Province
at Datu Paglas, Maguindanao ang dadalo sa nasabing Information Dissemination.
Ang forum ay sisimulan kasabay ng
botohan sa Kongreso kung pabor o hindi ang mga mambabatas sa BBL.
Kung maaalala, ipinagpaliban ni Ad
Hoc Committee on the BBL Chairperson Rufus Rodriguez ang botohan noong
nakaraang linggo para bigyang daan ang ilan sa mga nakiusap na kongresista na
masuri ng mabuti ang kopya ng proposed amendments.
Pagbobotohan ng ad hoc committee ang
bawat section ng BBL kung saan pinayagan ng komite na maging bukas ang botohan
sa media at observers.
Ito ay sa kabila nang kahilingan ng
ilang miyembro ng komite na gawin sa executive session ang botohan sa BBL.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento