Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

North Cotabato MILF Spokesperson, malaki pa rin ang paniniwalang maipapasa ang BBL

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2015) ---Malaki ang paniniwala ni North Cotabato MILF Spokesperson Jabib Guiabar na maipapasa pa rin ang BBL sa kabila ng mga rebisyon nito sa nagaganap na botohan sa kongreso.

Ito ang sinabi ng opisyal sa panayam sa kanya ng DXVL News kasabay ng pagpapaliwanag nito na ang BBL ay tumatalima sa konstitusyon ng bansa.


Anya, natural lamang umanong pag-aralan ng mga mambabatas ang mga nilalaman nito.

Pero iginiit ng opisyal na natapos na umanong nalagdaan noong taong 2012 ang framework agreement at ito rin ang Comprehensive Agreement on the Bangsa-Moro noong nakaraang taon.

Anya, hindi naman umano malaking isyu kung nagkakaroon man ng talakayan dito sapagkat dahil bago paman ginawa ang BBL ay dumaan na ito sa kongreso at senado at supreme court upang malaman kung mayroong nilabag ang mga probisyon nito.

Dagdag pa ni Guiabar na hindi umano nangangamba ang kanilang hanay sa posibilidad na maibabasura ito.

Malaki ang kaniyang pananalig na maipapasa pa rin ito sapagkat ito umano ang magiging daan ng kapayapaan sa Mindanao.

Samantala, Halos lahat ng pagtatangkang amyenda sa mga probisyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL) ay nabasura sa unang araw ng botohan o ika-49 na pagdinig para sa naturang panukalang batas.

Nabatid na walang nakalusot sa mga pagbabagong nais mangyari ng kilalang tutol sa BBL na si Zamboanga Rep. Celso Lobregat.

Pero giit ni ad hoc committee chairman Rufus Rodriguez, idinadaan ito sa demokratikong paraan ng pagboto kaya hindi iyon matatawag na railroading o minamadali.

Maging si Sarangani Rep. Manny Pacquiao ay nakibahagi rin sa botohan, pabor sa BBL.

Umaabot naman sa 63 ang bilang ng mga kongresistang miyembro ng komite na dumalo mula sa 75 kabuuang kasapi ng lupon.

Dito ay naging section by section at page by page ang botohan ng komite.

Mula sa dating 98 pages na BBL, nasa 109 pages na ito ngayon dahil sa ilang inputs ng Malacanang.

Sinabi ni ad hoc committee chairman Rufus Rodriguez na mahigit 100 ang pagbabago sa panukala.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento