OPPAP
Abot sa dalawang libong mamamayang
galing sa iba’t ibang munisipalidad ng North Cotabato ang nagsama-sama at
nagpakita ng supporta sa bayan ng
Pigcawayan isang araw bago ang ganapin botohan sa kongreso kaugnay sa
Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ang nasabing aktibidad ay may kinalaman
sa pagsuporta sa nagpapatuloy na negosasyon ng gobyerno at Moro Islamic
Liberation Front at ang pagpasa sa panukalang batas.
Naging bisita sa naturang pagtitipon
si GPH Peace Panel Prof. Miriam Coronel-Ferrer na tumayong keynote speaker.
Binigyang diin ni Ferrer na sa
sandaling maipasa ang BBL ay magkakaroon ng plebisito sa 39 barangays ng North,
Cotabato.
Aniya, bibigyan uli ng pagkakataon
upang tanungin ang mga tao sa mga barangay na ito at magdesisyon kung sasali ba
sila sa itatag na bagong Bangsamoro
batay na rin sa prinsipyo ng
demokrasya.
Sinabi rin niya na may ibang sektor
lamang na nagkakalat ng maling impormasyon na ang probinsya at ang mga liderato
rito ay hindi sumusuporta at taliwas sa hangarin ng panukalang batas para sa
Bangsamoro.
Kinlaro niya na maling propaganda
lamang ito. Talagang sumusuporta ang liderato ng North Cotabato sa BBL at sa
prosesong pangkayapaan.
Nabatid na nauna nang naging bahagi
ng plebisito ang mga barangay mula sa Midsayap, Pikit, Carmen, Aleosan, Kabacan
at Pigcawayan para mapabilang sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM
noong 2001.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento