Mark
Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ May 25,
2015) ---Bigo pa ring maipamahagi ng Land Transportation Office o LTO ang mga bagong plaka sa mga nagrenew
sa buong bansa.
Ayon kay LTO Kabacan District Head
Ansary Sumpingan sa panayam ng DXVL News, ito ay sa kadahilanang bigo pa itong
maibahagi ng kanilang manufacturer.
Hindi rin sila makapagbibigay ng
timeline kung kailan ito maibibigay dahil maging ang manufacturer mismo ay wala
ring ibinigay na timeline sa kanila.
Anya, wala naman umanong problema sa
mga bagong magpaparehistro na mga pribadong sasakyan sapagkat dalawang linggo
pa lamang pagkatapos maiparehistro ay maari na itong maibigay.
Ipnaliwanag din ng opisyal na ang
bagong plate no. ay meroong entries na 3 letra at 4 na numero at ang lumang
plaka naman ay may entries na 3 letra at 3 numero.
Dagdag pa ng opisyal na ang mga
lumang plaka na nerenew ay magbabago lamang ng itsura at hindi magbabago sa mga
entreis nito.
Mula sa dating kulay na berde at
puti, ngayon sa bagong plaka ay kumbinasyon na ng puti at itim na kulay sa mga
pribadong sasakyan.
Inihalintulad din ng opisyal ang luma
sa bagong plaka na mas moderno ito at mas maganda sapagkat hindi ito basta
bastang matanggal at hindi rin ito madaling malilipat sa ibang sasakyan.
Ito makaraang makatanggap ng reklamo
ang DXVL mula sa ilang concerned citizens na tinatanong kung bakit hindi pa rin
ibinibigay sa kanilang ang bagong plaka na kanilang nerenew.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento