Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ng Kabacan, nagpapaalala sa mga mamamayan na maging handa sa anumang oras bunga ng mga nararanasang pag ulan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ October 8, 2014) ---Pinapaalalahanan ngayon ng Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ang mga mamamayan ng Kabacan na maging handa sa mga posibleng maranasan na namang pagbaha.

Ayon Kay Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction Management Council
Head David Don Saure sa panayam ng DXVL, 18 mga barangay sa bayan ng Kabacan ang flood prone areas at 8 barangay direktang tatamaan sa panahon ng pagbabaha.


Dagdag pa ni Saure meroon silang mga nakahandang mga evacuation sites kung sakali mang kelangan nang lumikas.

Bagamat wala pang naitatalang mga barangay na nabahaan nitong mga nakalipas na araw ay maging handa parin dapat ang mga mamamayan.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento