By:
Roderick Rivera Bautista
(Midsayap, Cotabato/ October 17, 2014) ---Sa
pamamagitan ng money transfer service provider na MLhuiller ay nakakuha na ng
kanilang sahod ang mga benepisyaryo ng dalawang programa ng Department of Labor
and Employment o DOLE sa Distrito Uno ng North Cotabato.
Oktubre a-5 nang mag- claim ng stipend para
sa buwan ng Agosto ang mga kabataang sumasailalim sa Government Internship
Program o GIP.
Bawat benepisyaryo ng GIP ay tumatanggap ng
P202.50 na stipend kada araw o humigit kumulang apat na libong piso kada buwan
depende sa araw na nagtrabaho ang mga ito.
Kaugnay nito ay sinisikap ng DOLE Regional
Office XII at North Cotabato Field Office na sinisikap nilang mapabilis ang
pagpoproseso ng mga dokumento at maipamahagi agad ang stipends ng mga
government intern ayon sa pahayag ni DOLE- NCFO Head Marjorie Latoja.
Samantala, tumanggap na rin ng kanilang
stipend ang 94 na benepisyaryo ng Tulong Pangkabuhayan Para Sa Ating
Disadvantaged Workers o TUPAD kung saan abot sa tig- 8,100 pesos ang tinanggap
ng bawat benepisyaryo.
Kasalukuyan namang ginagawa ng tanggapan ni
North Cotabato Rep. Jesus Sacdalan ang assessment and monitoring report kaugnay
sa implementasyon ng GIP at TUPAD programs ng DOLE sa kanyang distrito.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento