(Kabacan, Cotabato/ October 6, 2014) ---Naging
matiwasay at tahimik sa kabuuan ang isinagawang pagdiriwang ng Eid Ul Adha sa
bayan ng Kabacan kungsaan isinagawa ang congressional prayer sa Kabacan Pilot
Central Elementary School nitong Sabado.
Abot sa mahigit sa tatlong libung mga
mananampalatayang Islam ang nakiisa sa sambayang o pagsamba mula sa iba’t-ibang
lugar ng bayan.
Ang Eid’l Adha o Feast of Sacrice ay isang
kapistahang ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo upang alalahanin ang
pagpapaunlak ni Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak na lalaking si Ismael
bilang isang gawain ng pagsunod sa Diyos.
Nagpahayag din ng kanyang pagbati si Kabacan
Mayor Herlo Guzman Jr., sa mahigit tatlong libung muslim na dumalo sa nasabing
pagdiriwang.
Sa Cotabato City naman, isinagawa ang
CONGREGATIONAL PRAYER sa Cotabato City Central Pilot School, Cotabato Polytechnic
College, Grand Mosque at ARMM Compound
Agad namang nagsagawa ng kaliwat kanang
KANDULI o SELEBRASYON bilang pasasalamat sa poong LUMIKHA o kay ALLAH
Kaugnay nito ipinahayag rin ni ARMM Governor
Mujiv Hataman ang kanyang pagsuporta sa nasabing selebrasyon. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento