By:
Mark Anthony Pispis
(Pikit, Cotabato/ October 13, 2014)
---Wala nang nagawa pa ang mga hinihinalang carnaper kundi abandonahin ang
isang pinaniniwalaang kinarnap na Commuter Van matapos tugisin ng mga otoridad
sa sa bahagi ng River Bank ng Rio Grande de Mindanao River sa Brgy. Bago-Inged,
Pikit, Cotabato alas 5:30 ng hapun Okrobre a-10 nong biyernes.
Ayon sa report ng Pikit PNP, nakatanggap
umano sila report na meroong naiispatang suspected na kinarnap Commuter Van sa
bahagi ng Brgy. Talitay, Pikit, Cotabato.
Agad namang nagtungo sa lugar ang
pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan ng nasabing bayan kasama si 1rst
Disrtrict Board Member Dulia Sultan, sa pakikipagtulungan ng lokal na
pamahalaan ng Pikit, iilang mga concerned Brgy. Officials, at ilang mga MILF
Commanders para sa posibleng pagkarekober ng sasakyan.
Agad namang namataan ang isang kulay
Silver na Toyota HiAce Commuter Van na may Temporary Plate No. na NR
1222-15647771 na nilalakbay ang daang papunta sa naturang Brgy. at agad nila
itong hinabol at nang malapit na itong macorner ay wala nang nagawa ang drayber
nito kundi abandonahin ang nasabing sasakyan malapit sa River Bank ng Rio
Grande de Mindanao sa bahagi ng Brgy. Bago-Inged Pikit, Cotabato ngunit nagawa
pa nitong kunin at dalhin ang susi ng ng nasabing sasakyan at tumakas sakay ang
isang motorboat na nakastanby na sa lugar.
Maalalang kinarnap ang nasabing
sasakyan sa bahagi ng Highway ng Maramag, Bukidnon alas 11:00 noong
Octobre a-1 ng gabi.
Lulan ng
nasabing van ang 18 mga pasahero buhat sa Cagayan de Oro city papuntang Davao
city ng magdeklara ng hold-up ang dalawa sa mga pasahero nito at pinababa ang
mga pasahero sa bahagi ng Upian Bridge sa Brgy. Kimadzel sa bayan ng Carmen.
Bago
tinangay ng mga suspek ang gamit ng mga pasahero at ang nasabing sasakyan ay
pinagbabaril ng mga ito ang drayber at konduktor.
Kinilala
naman ang may ari ng sasakyan na si Anabel Magdua. ang Live-in partner ng
konduktor.
Kinilala rin
ang mga nasawing biktima na sina Alvo Velasco Limpag, 39 anyos, drayber at
residente ng Mambato Agora, Brgy. Lapasan, Cagayan de Oro City ang konduktor at
ang drayber na kinilalang si Ricarido Bangles Pastrano Jr., 41 anyos at
residente ng Zone 8, Brgay. Cugman, Cagayan De Oro City.
Napag alaman
namang tinanggal na ang Conduction Sticker ng nasabing sasakyan at di narin
matagpuan ang iba pang mga dokyumento nito.
Nasa
kustodiya naman ngayon ng Pikit Municipal Police Station ang nasabing sasakyan para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon at para
sa tamang disposasyon.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento