Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, uminom ng lason

(Matalam, North Cotabato/ October 13, 2014) ---Pinaniniwalaang matinding problema sa buhay kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 56-anyos na lolo makaraang uminom ng lason at natagpuang wala ng buhay sa Brgy. Kilada, Matalam, Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Antonio Tagay, 56-anyos, magsasaka, may asawa at residente Purok rang-ayan, Brgy. Lower Paatan, Kabacan, Cotabato.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, nag-usap pa ang biktima at si Richard Martinez, manugang ng biktima na habang nag-uusap umani sila ng kanyang biyenan na lalaki ay nagsabi ito na mas mainam na kitlan na lamang nito ang buhay niya sa pamamagitan ng pag-inum ng lason.

Matapos noon ay umalis na ang biktima at nakita nalamang ang bangkay nito na nakahandusay sa gilid ng kalsada sa nasabing lugar.


Wala namang physical injuries na nakita sa katawan ng biktima na sinaktan ito bago pinaslang. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento