Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

18 mga barangay sa Kabacan, tinukoy na flood prone areas –MDRRMC

Rhoderick Beñez

(Kabacan, Cotabato/ October 9, 2014) ---Pinaalalahanan ngayon ng Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ang mga mamamayan ng Kabacan na maging handa sa mga posibleng maranasan na namang pagbaha.

Ayon Kay Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction Management Council
Head David Don Saure sa panayam ng DXVL, 18 mga barangay sa bayan ng Kabacan ang flood prone areas na patuloy na binabantayan ng ahensiya at 8 barangay direktang tatamaan sa panahon ng pagbabaha.


Dagdag pa ni Saure meroon silang mga nakahandang mga evacuation sites kung sakali mang kailangan nang lumikas.

Bagamat wala pang naitatalang mga barangay na nabahaan nitong mga nakalipas na araw ay dapat na maging handa parin dapat ang mga mamamayan.

Nilinaw naman ng PAGASA na ang naranasang patuloy na pagbugso ng ulan ay hindi dahil sa bagyong ompong kundi dulot lamang ng Intertropical convergen zone na tumama sa buong Mindanao.

Inaasahan naman na mag papatuloy ang sama ng panahon ngayong araw kaya naman pinapayuhan ang lahat na bago umalis ng bahay ay siguraduhing may baong mga kapote o payong na panangga sa biglaang ulan na higit na mararanasan sa bandang hapon o gabi.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento