(Kabacan, cotabato/ October 9, 2014) ---Inireklamo
ng isang kawani ng LGU Kabacan ang hindi magandang trato ng mismong Government
Service Insurance System o GSIS Kidapawan City Manager.
Ayon kay Liaison Officer Marissa Galay, araw
ng Miyerkules ng magsumite ito ng mga dokumento para mag-avail ng calamity loan
sa GSIS ng sinabihan ito ng Manager na si Sonia Gutierrez na hindi umano totoo
na nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Kabacan.
Aniya, gawa-gawa lamang daw ng Sangguniang
Bayan ng Kabacan ang deklarasyon at inggit lamang umano sila sa city LGU ng
Kidapawan.
Dahil sa napahiya na sa ilang empleyado si
Galay, hindi na ito umimik at sa halip ay idenepensa na lamang nito na parating
umuulan sa bayan at ilang beses naring nagdeklara ng state of calamity ang
Kabacan.
Samantala, sa hiwalay namang panayam ng DXVL
News kay Gutierrez, hindi naman ito nag bigay ng komento at sa halip ay
itinanggi nito ang akusasyon laban sa kanya.
Sa katunayan aniya, ay kanya ng inindorso
ang dokumento ng LGU Kabacan sa Office of the Civil Defense o OCD.
Pero aminado ang opisyal na hindi nito
narinig sa radyo o sa telebisyon na nag-deklara ng state of calamity ang
Kabacan.
Maging ang accountant ng LGU Kabacan ay
pinasaringan pa nito na “ang accountant nyu diyan na ang bata-bata pa na
problemado ang mukha” ayon pa kay Galay.
Planu naman ngayong kausapin ni Vice Mayor
Myra Dulay Bade ang opisyal upang ipakita ang kanilang deklarasyon sa SB ng
State of Calamity.
Reaksiyon naman ng ilan na dapat ay maging
maayos ang asal at pakikitungo nito sa lahat ng lumalapit sa kanilang tanggapan
lalo pa’t opsisina ito ng gobyerno o taong bayan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento