(Kidapawan City/ October 10, 2014) ---Patuloy
na inaalam ngayon ng Kidapawan City Bureau of Fire kung magkano ang danyos sa
nangyaring sunog kagabi sa old terminal ng lungsod.
Sa panayam ng DXVL News ngayong umaga kay
Fire Captain Darwin Custodio, ang city fire Marshall ng Kidapawan city na
pasado alas 7:00 kagabi ng itawag sa kanila na may sunog sa nasabing lugar.
Alas 8:30 na ng tuluyang na ideneklarang
fire-out.
Kabilang sa mga natupok ng apoy an gang
ilang mga karenderia, nagbebenta ng feed, bigasan at Gretz Paul na isang
bakeshoppe sa lugar.
Wala namang may naiulat na casualties sa
nasabing insidente.
Kaugnay nito, patuloy naman ang paalala ni
Custodio sa mamamayan na maging maingat laban sa sunog.
Aniya, laging isa-isip ang katagang KISS
Komunidad Ingat sa Sunog. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento