By:
Mark Anthony Pispis
(Kidapawan City/ October 17, 2014)
---Ginagawan na umano ng pag aaral ng mga eksperto mula Philippine Institute of
Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa Manila ang bagong nakitang Fault Line
sa Makilala na patungong Sultan Kudarat.
Ayon kay Engineer Hermes Daquipa ng
Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS Kidapawan,
ginawan na umano ng unang paraan ng mga scientist at mga geologist na experto
mula sa PHIVOLCS Manila upang malaman ang traces ng fault system na kahit hindi
sila tumutungo sa lugar ay meroon umano silang ginagawang table mapping.
Ang mga instrumentong ginagamit umano
sa sinabing table mapping ay ang mga satellite photos ang areal photos na kuha
mula sa mismong lugar.
Pagkatapos umano ng prosesong ito ay
ang Ocular Actual Investigation doon sa mga na trace ng mga fault system na
ginawa sa table mapping.
Pagkatapos naman nito ay ilalagay na
ang mga ito sa mga Actual Active Trences at saka Faults.
Nilinaw naman ng opisyal na hindi
umano madali ang nasabing proseso.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento