(Kidapawan City/ October 17, 2014) ---Upang
maprotektahan ang mga residente laban sa iligal na gawain planu ngayon ng mga barangay
officials sa Barangay Sudapin, Kidapawan city na muling ipa-census ang mga
residente ng Muslim village, sa Sitio Pinantao ng nasabing barangay.
Bukod sa nabanggit layon nito na makuha ang
eksaktong bilang at makilala ang mga lehitimong residente sa lugar, ayon kay
Kapitan John Carl Sibug.
Una nang iminungkahi ni Sibug sa Kidapawan
city Planning Office ang nasabing plano at inaasahang masisimulan na ito
anumang araw mula ngayon.
Ang hakbang na ito ay ginawa ng mga opisyal
matapos na maaresto ang tatlong mga tulak droga sa isinagawang buy-bust
operartion sa lugar. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento