Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagbisita ni VP Binay sa Kabacan, inaabangan na!

(Kabacan, Cotabato/ October 9, 2014) ---Bantay sarado na ngayon ang bayan ng Kabacan kaugnay sa pagbisita ni Vice President Jejomar Binay.

Kasama ng kapulisan, mga BPAT ay nakaalerto na rin sa paligid ng bayan lalo sa sa merkado publiko kungsaan idadaos ang budol fight.


Patuloy naman ang ginagawang clearing operation ng Kabacan PNP sa pamumuno ni PSupt. Jordine Maribojo upang matiyak ang seguridad ng Pangalawang pangulo sa kanyang pagbisita sa bayan.

Samantala maging sa Kidapawan City  ay nakaalerto laban sa posibleng banta sa seguridad at maging sa daloy ng trapiko.

Nabatid na madaling araw pa lamang kanina ay nakadeploy na ang kasundaluhan at kapulisan sa iba't ibang lugar sa lungsod lalong-lalo na sa Kidapawan city plaza kung saan nakatakdang isagawa ang boodle fight.

Nakatakda namang gawin ang isang maiksing programa sa Kidapawan city Gymnasium kung saan gagawin ni vice-president Binay ang kanyang talumpati.

Sa ngayon ay nananatiling mabagal ang daloy ng trapiko sa National highway sakop ng Kidapawan city lalong-lalo na sa harap ng city plaza. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento