(North Cotabato/ October 18, 2014) ---
Kalaboso ngayon ang lima katao makaraang mahuli sa magkakahiwalay na drug bust
bust operation sa Maguindanao at North Cotabato kamakalawa.
Nanguna sa nasabing operasyon ang
Phillippine Drug Enforcement Agency o PDEA ARMM.
Sa bisa ng warrant of Arrest, hinalughog ng
otoridad ang bahay nina Abdul Salam Indak “alias” Samipakan sa bahagi ng
Talayan, Maguindanao kungsaan nakuha mula sa posisyon nito ang 15 gramo ng
shabu.
Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman
pa an gang suspek ay may pending na kaso kung saan isinilbi ang warrant of
arrest laban dito.
Sa isinagawang interogasyon, inamin ng
suspek sa isang agent ng PDEA na nagtutulak ito ng illegal na droga.
Bukod sa nabanggit huli din ang isang Wahida
Pakan sa bayan pa rin ng Talayan Maguindanao na nakunan ng isang sachet ng
shabu.
Kapwa kalaboso ang dalawa sa PDEA-ARMM lock
up cell.
Samantala sa Kidapawan City naman, ay tatlo
katao naaresto dahil din sa pagtutulak ng shabu.
Kinilala ang mga itong sina Omar Marohom na
sya namang pang apat sa watch list ng PDEA, Musema Shariff alyas Noralyn na sya
namang ikawalo sa watch list at ang ikatlong naaresto ay kinilalang si Norani
Sarip.
Naareto ang mga ito sa Muslim village sa
Brgy. Sudapin, Kidapawan City. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento