Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagkakatakas ng Dating Vice Mayor na sinasabing suspek sa rape sa isinagawang Checkpoint sa Pikit, Cotabato; dapat paiimbestigahan

(Pikit, Cotabato/ October 6, 2014) ---Umaapela ngayon ng malalimang imbestigasyon ang grupo ng mga mamamahayag at ilang mga concern citizen sa gobyerno na paimbestigahan ang pagkaka-alpas ng isang dating opisyal na sinasabing wanted sa kasong rape.

Kinilala ang suspek na si Andy Montawal, dating vice mayor ng bayan ng Datu Montawal sa probinsya ng Maguindanao.

Ayon sa ulat isang itim na pick-up ang pinara ng mga otoridad sa isang checkpoint sa bayan ng Pikit, North Cotabato alas 4:00 ng hapon nitong Biyernes.

Sakay sa likod ng nasabing pick-up ang apat na armadong kalalakihan.

Sa kabiguan umano ng mga ito na makapag-pakita ng anumang dokumento na legal ang pagdadala ng mga ito ng baril ay kinumpiska ng kasundaluhan ang dalawang armalite rifles at isang baby machine gun, subalit hindi na kinilala ang sakay sa loob ng nasabing sasakyan.

Huli na ng kanilang mapag-tanto na ang sakay ay ang dating vice mayor ng bayan ng Montawal na may pending warrant of arrest. DXVL News


0 comments:

Mag-post ng isang Komento