Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P3M halaga ng heavy equipment, sinunog ng mga NPA

by: Rhoderick Beñez

(Magpet, Cotabato/ October 18, 2014) ---Sinilaban ng mga pinaniniwalaang rebeldeng New People’s Army o NPA ang isang pay loader na nakaparada sa Brgy. Binay, Magpet, North Cotabato.

Sa panayam ng kahapon ng DXVL News Radyo ng Bayan kay Col. Nilo Vinluan ang Commanding Officer ng 57th IB na sinunog ng mga ito ang bagong heavy equipment ng isang construction supply na nag-aayos ng mga kalsada sa lugar.

Malaki ang paniniwala ni Vinluan, na extortion at ayaw nila sa mga ginagawang pag-papa unlad sa lugar kaya ginagawa nila ang nasabing hakbang.

Ayon kay Barangay Binay, Barangay Kapitan Joseph Romero, tatlumpong mga lalaki umano ang responsable sa nasabing panununog ng payloader na pag mamay-ari ng Jargon Construction Supply.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakaparada ang brand new pa loader na nagkakahalaga ng tatlong milyong piso sa kalsada ng Brgy. Binay nag buhusan ito ng gasulina ng mga armado.

Ilang Equipment na rin ng mga Construction Company ang at Multi-National Firm ang sinunog noon ng mga pinaghihinlaang mga New People’s Army o NPA.


Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga militar at kapulisan sa nasabing insidente. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento