Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 sa tatlong sugatan sa UCCP Pikit Blast, pumanaw na!

(Pikit, Cotabato/ October 15, 2014) ---Matapos ang pakikipaglaban kay kamatayan, tuluyan na ring pumanaw si Virgie Manolid, isa sa tatlong nasugatan sa pagpapasabog ng M79 sa USCCP Church sa bayan ng Pikit, Cotabato nitong nakaraang linggo.

Ayon sa report, tuluyan ng binawian ng buhay ang 63-anyos na Ginang habang ginagamot sa Kidapawan Doctors Hospital kahapon ng tanghali.

Si Manolid ang ikatlong nasawi sa UCCP Pikit blast noong Oktubre 8 ng pasabugan ng M79 granade luncher ang mga ito habang nagsasagawa ng midweek prayer meeting.

Matatandaang nasawi rin sina Felomina Ferolin head nurse ng Pagalungan Community Hospital at si Gina Cabilona na isang guro.

Samantala, Isang kaibigan na physician ni Felomina Nacario-Ferolin ang mag oorganisa ng medical mission at nagpadala ng mga gamot sa Pikit at Pagalungan, Maguindanao bilang tribute sa nasawing kaibigan.

Si Dr. Anacleto Belleza Millendez, founder ng The Beautiful Heart Foundation noong 2005 ay kaklase ni Ferolin sa Pikit Elementary School noong 1973 at kapartner sa folk dance.

Nais ni Millendez na maglagay ng The Beautiful Heart Foundation Pikit office para sa mga mahihirap at underprivileged na mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo medikal.

Magbubukas din si Millendez ng training at healing center sa ancestral home ng kanyang mga magulang sa Lapu-lapu street.

Si Millendez ay isa ng US naturalized citizen ngunit malapit pa rin ang puso sa mga taga Pikit at Pagalungan.

Nananawagan di siya sa mga volunteers na gustong tumulong sa pagtatag ng The Beautiful Heart Foundation Pikit Chapter. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento