By:
Sarah Jane Corpuz Guerrero
(Kabacan, Cotabato/ October 16, 2014) ---Kaisa
ng mga magigiting na Barangay Health Workers ang Lokal na pamahalaan ng Kabacan
sa pagsusulong ng isang maayos at malusog na pamayanan. Sa mensaheng pinaabot
ni Mayor Herlo P. Guzman, Jr., kaninang umaga sa isinagawang selebrasyon,
kanyang binigyang diin ang hindi matawarang kontribusyon ng mga BHWs sa
pangangalaga sa kalusugan ng mamamayang Kabakenyos.
Kanyang ibinahagi ang
kanyang aktwal na karanasan sa Barangay Tamped na kung saan kanyang nakita kung
papaanong naghihirap at kumakayod ang mga BHWs mahatid lamang ang serbisyong
para sa mga tao. Kaya naman sa selebrasyon ng kanilang mahalagang araw,
pinasinayaan niya ang nasabing okasyon.
Binigyang diin din ni mayor Guzman ang Batas
Republika Blg. 7883, kilala rin sa tawag na Barangay Health Workers’ Benefits
and Incentives Act of 1995, na naglalayong mabigyan ng angkop at epektibong
benepisyo at insentibo ang mga health workers sa mga urban at rural na
barangays.
Kaya naman, hinikayat niya ang Barangay Health Workers Association
na magsumite ng kanilang proposal ng sa ganon ay makita at mapag aralan pa nito
ang mga insentibong nararapat na maibigay sa kanila ng Lokal na Pamahalaan ng Kabacan.
Sa mga mensaheng ibinigay nila kagawad
Tabara, Quilban, Mamaluba, Salidivar at Manuel kanina sa nasabing selebrasyon,
kanilang susuportahan umano sa pamamagitan ng lehislatura ang anumang benepisyo
at insentibong imumungkahi ng asosasyon sa kanila bilang ganti na rin sa
kanilang ipinapakitang dedikasyon sa kanilang mga trabaho.
Ang Batas Republika bilang 7883, na
inaprubahan ni dating pangulong Fidel V. Ramos noong ika-dalawampo ng Pebrero
taong 1995, ay kumikilala rin, magsisiguro sa proteksyon at magtatanggol sa mga
karapatan ng mga BHWs.
Bilang parte pa rin ng selebrasyon,
nagkaroon ng ibat-ibang mga palaro at konting salo-salo kasama ang mga kawani
ng Lokal na Pamahalaan ng Kabacan. DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento