(Magpet, Cotabato/ October 17, 2014) ---Bagama’t
walang nasaktan, patuloy ngayong inaalam ng mga kapulisan at militar kung anung
grupo ang nasa likod ng pagpapasabog sa sa isang lumang basketball court sa
tabi ng dating Barangay hall ng Balete, Magpet, North Cotabato alas 8:00
kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Philippine Army's 57th Infantry
Battalion commander Col. Nilo Vinluan, 44mm grenade projectile ang pinasabog sa
nasabing lugar.
Naniniwala si Vinluan na layunin ng
pagpapasabog na isabotahe ang isinasagawa nilang Peace and Development Outreach
Program o PDOP ng Philippine Army sa lugar.
Nahihirapan kasi aniya ang mga armadong
grupo na bumaba sa mga komunidad dahil sa ginagawa nilang PDOP. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento