Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Corn Husk Utilization and Market Promotion Training, Isinagawa sa Arakan, Cotabato

By: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan City/ October 18, 2014) ---Upang mapakinabangan ang patapon ng balat ng mais, nagsagawa kamakailan ng training on Corn Husk Utilization and Market Promotion sa Poblacion, Arakan, Cotabato para sa 25 Rural Improvement Club members at women’s group na pinangunahan nina Ms. Leonila Anit, ang Provincial RIC Coordinator kasama si Gabriel Nasiluan ng Office of the Provincial Agriculturist.

Ang training na ito ay pinondohan ng Department of Agriculture Regional Field Office 12 sa pamumuno ni Regional Executive Director Amalia Jayag-Datukan.

Sa training na ito tinuruan ang mga kababaihan sa paggawa ng tsinelas, sandalyas, flowerettes at tali mula sa wala nang gamit na corn husk upang magkaroon sila ng dagdag na kita sa panahong wala naman silang ginagawa.

Samantala, bahagi rin ng training ang market promotion na kung saan ang Rural Improvement Club ang magpa-facilitate sa pagbebenta ng mga produktong gawa sa corn husk.

Maaaring gawing giveaways ang mga produktong mula sa corn husk na ngayon ay nakadisplay na rin sa mga malalaking malls sa mga siyudad dito sa SOCCSKARGEN region.


Ang trainor para sa nasabing training ay si Ms. Gloria Huevos ng Rural Imrpovement Club of Banga, South Cotabato na masayang nagbahagi ng kanyang kaalaman sa corn husk utilization.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento