Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek sa pag-carnap ng Commuter Van sa Carmen, patuloy na tinutugis!

By: Mark Anthony Pispis

(Pikit, Cotabato/ October 14, 2014) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan ng Pikit PNP para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga responsable sa pagkarnap ng isang Toyota Hi-ace Commuter Van na narekober sa Brgy. Bago-Inged Pikit Cotabato noong Oktubre a-10 alas 5:30 ng hapon.

Ayon kay Police Inspector Mautin Pangandigan, Hepe ng Pikit PNP, nakikipag-ugnayan sila nayon sa mga residente na malapit sa Rio Grande de Mindanao na posibleng nakakita at
nakakilala sa mga suspek matapos na ginawa itong exit point ang ilog matapos na makorner ng mga otoridad sa nasabing Brgy.

Dagdag pa ng opisyal, hindi na nahuli ang mga suspek matapos itong tumakas gamit ang isang motorboat na nakstanby na sa nasabing ilog.


Nagpaalala rin si Pangandigan sa mga driber ng Commuter Van na mag ingat sa mga modos ng mga suspek at wag pumara sa lugar na walang tao.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento