(Alamada, Cotabato/ October 9, 2014) ---Patay
ang isang driver matapos pagbabarilin ng riding tandem habang nagmamaneho ng
kanyang sasakyan sa Alamada, North Cotabato.
Base sa Inisyal na imbestigasyon ng Alamada
PNP sa pangunguna ni Chief of police Inspector Jofrey Todenyo, isang land
cruiser na may license plate XVA-168 ang minamaneho ni Andi Ampusong Pascan,
38-anyos, taga-brgy randayin Alamada, North Cotabato.
Ayon kay Todenyo, Binayaran ng isang
lalaking Sambahan Macayon ang biktimang si Pascon upang pakyawin o gamitin ang
sasakyan nito. Aniya, Bandang alas-2 ng hapon pagdating sa Brgy. Kamansi,
Alamada ay nag overtake ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek at
pinagbabaril ang driver na si Pascon.
Nagtamo ng dalawang tama ng bala ang biktima
sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Nilinaw naman ng opisyal na natamaan ang 8
pang pasahero na sakay ng nasabing sasakyan.
Patuloy pang iniimbestigahan at
pinaghahanap ang nasa likod ng naturang pamamaril.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento