Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga grupo ng simbahan magsasagawa ng candle lighting sa Kabacan re: Pikit Blast

(Kabacan, Cotabato/ October 14, 2014) ---Pangungunhan ng Karapatan North Cotabato, ilang mga progresibo at militanteng grupo kasama na ang iba’t-ibang mga dominasyon ng simbahan ang candle lighting na gagagwin sa National Highway ng Kabacan alas 4:00 mamayang hapon.

Ayon kay Karapatan North Cotabato General Secretary Jay Apiag, bahagi ito ng kanilang pag kondena sa nangyaring pagpapasabog sa UCCP Church sa bayan ng Pikit kungsaan dalawa ang naiulat na namatay.

Dagdag pa nito na ang grupo ay mag-aalay ng panalangin sa mga sugatang biktima para sa mabilis na paghilom ng kanilang mga sugat.

Hamon din ng nasabing aktibidad sa Pamahalaang Lokal ng Pikit kasama na ang lokal na otoridad na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nasabing insidente. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento