(Pikit, Cotabato/ October 9, 2014) ---May
lead ng sinusundan ang mga otoridad sa mga responsable sa pagpapasabog sa
simbahan ng United Church of Christ in the Philippines o UCCP sa Vidal Cabañog
St., Poblacion, Pikit, Cotabato alas 7:40 Miyerkules ng gabi.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni PSI Jojet
Nicolas, ang tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office kungsaan isang
witness ngayon ang hawak nila na sinasabing namukhaan nito ang isa sa mga sakay
ng motorsiklo na nagpakawala ng M79 sa nasabing simbahan.
Bagama’t kanyang namukhaan ang mga suspek,
di naman nito mapansin ang plaka ng nasabing motor sapagkat dilim na ng
mangyari ang insidente.
Bagama’t positibong nakilala ang suspek
batay sa larawang ipinakita ng pulisya sa kanilang e-rouges gallery doon sa
saksi, hindi muna idenitalye ng tagapagsalita ng CPPO ang pagkakakilanlan ng
suspek upang di madiskarel ang kanilang ginagawang imbestigasyon.
Ang E-rouges, ito yu’ng mga larawan na
naipon ng CPPO sa mga suspek na may nahaharap na kaso at mga na-dismissed na
kaso, ayon pa kay Nicolas.
Sa ngayon maraming anggulo ang sinisilip ng
pulisya sa nasabing insidente pero di rin nila isinasantabi ang anggulong
personal grudge batay sa inisyal na pagsisisyasat na kanilang isinasagawa.
Matatandaan na dalawa ang kumpirmadong
namatay sa pagpapasabog ng M79 sa nasabing simbahan, isang nurse na si Felomina Ferolin, 54-anyos, kungsaan tanggal
ang mga braso nito at Gina Cabilona, 39-anyos, guro na tinamaan sa mukha
kungsaan tanggal umano ang mga mata nito sa nasabing pagsabog. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento