Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Reklamo ng isang Tricycle Driver, agad na tinugunan ng TMU office sa Bayan ng Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, cotabato/ October 15, 2014) ---Idinulog ng isang tricycle driver sa DXVL ang kanyang reklamo tungkol sa sitwasyon ng daloy ng trapiko sa Sunset Drive Kabacan Cotabato partikular sa harap ng DDC academy kahapon.

Anya napakahirap umanong daanan ang nasabing lugar kapag rush hour na kung saan ay nakukuha umano ng mga nakaparking na mga sasakyan ang isang lane ng daan na nagdudulot naman ng di nila pagkakakita sa kanilang mga nakakasalubong na tricycle at tris
ikab.

Anya mahirap umanong dumaan lalo nat nag iingat din silang hindi magagasgasan ang mga sasakyang nakaparking doon.


Samantala agad namang nagpaunlak ng panayam ang TMU head ng Kabacan na si Ret. Col Antonio Peralta kaugnay sa reklamong ito.

Positibo namang binigyan ng tugon ng opisyal ang naging reklamo.

Anya ngayong araw ay aaksyonan umano ng kanilang tanggapan ang reklamong ito ng tricycle driver.

Samantala sinagot naman ng opisyal ang reklamo tungkol sa Batas umanong di nasusunod sa One Way sa USM Avenue tuwing gabi.

Anya hindi naman daw pwedeng mag extend ng duty ang mga Traffic Enforcers ng TMU dahil mabaviolate nila umano ang patakaran sa Civil Service.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento