Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahinang daloy ng tubig sa linya ng Kabacan Water District, ipinaliwanag ng General Manager

(Kabacan, Cotabato/ October 11, 2014) ---Patuloy pa ang ginagawang pagkukumpuni ng pump station number 2 ng Kabacan Water District sa Purok Masagana, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ito ang nagging paliwanag ni KWD General Manager Ferdie Mar Balungay sa DXVL News kahapon kaya nagkakaroon ng mahina at minsan ay pagkawala ng daloy ng tubig.

Tinityak naman ng opisyal na maibabalik ang normal na daloy ng tubig sa loob ng isang linggo matapos ang pagkumpuni ng nasabing water pump.

Isinisisi ni Balungay ang mabagal na pagkukumpuni ng water pump station dahilan ng mahina na daloy ng tubig.

Kaugnay nito, masayang ibinalita naman ng General Manager ng KWD na muling magdiriwang ang KWD ng kanyang anibersaryo ngayong Oktubre a-15. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento