Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga sundalong nag-inspeksiyon sa sasakyang ng rape suspek sa Pikit, hindi kilala si Andy Montawal

(Pikit, Cotabato/ October 8, 2014) ---Aminado si Philippine Army's 6th Infantry Division spokesperson Col. Dickson Hermoso na hindi kilala ng mga sundalo si Andi Montawal habang iniinspeksyon ang sinasakyan nito sa Pikit, North Cotabato noong nakaraang linggo.

Lumalabas sa kanilang imbestigasyon na ang pamilya Montawal ang may-ari ng sinasakyan ni Andi nang ito ay maharang sa bayan ng Pikit noong nakaraang linggo, ayon kay Hermoso.

Ipinaliwanag din ni Hermoso na hindi pinaputukan ng mga sundalo ang sasakyan ni Montawal habang papalayo na ito dahil maraming bahay sa paligid at mga sasakyang dumadaan kaya natakot ang mga ito na baka may madamay.

Aniya, alam ng mga Army officials ng 6th Infantry Division na mayroong kasong rape si Montawal pero hindi nila nakita ng personal o alam man lamang kun ano ang itsura nito at lalong wala silang kopya ng standing warrant of arrest nito.

Kaugnay nito, inatasan naman ni 6th Infantry Division Commander Maj. Gen. Edmundo Pangilinan ang 7th Infantry Battalion na magsumite ng komprehensibong ulat hinggil sa pangyayari. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento