(Kabacan, Cotabato/ October 8, 2014) ---Mabibigyan
ng proyektong pang-kaunlaran hinggil sa pag-papaunlad sa pagsasaka ang Brgy.
Nangaan dito sa bayan ng Kabacan.
Ayon kay Municipal Agriculturist Sasong
Pakkal na ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng abot sa mahigit kumulang sa
P3 Milyong piso.
Kabilang sa mga programang ito ay ang Rubber
Production Program with capability building kasama na rin dito ang post at pre
harvest facilities, ayon pa kay Pakkal.
Ang proyekto ay mula sa PAMANA Program at 20
porsiento nito ay magmumula naman sa economic Development Fund.
Layon ng proyekto na makapagtanim ng abot sa
mahigit sa anim na pung libung mga goma sa 126 na ektaryang nakatiwangwang sa
nasabing barangay.
Matatandaan na kabilang ang brgy. Nangaan
noon sa mga lugar na madalas ay may girian ng mga armadong grupo. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento