Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 300,000 na mga bata at sanggol sa Cotabato sumailalim sa MRV-OPV ng IPHO nitong Setyembre

by: Jimmy sta. Cruz

AMAS, Kidapawan City (Oct 15) – Abot sa 318,982 na mga maliliit na bata at sanggol ang nabigyan ng Measles Rubella Vaccine at Oral Polio Vaccine o MRV-OPV sa buong lalawigan ng Cotabato nitong nakalipas na Setyembre 1-30, 2014 kung saan isinagawa ang mass immunization campaign sa buong bansa.

Ayon kay Dr. Eva Rabaya, Head ng Integrated Provincial Health Office o IPHO, mula sa bilang na 318,982 ay abot sa 149,214 (95.49%) ng eligible population na 156,257 ang mga batang nagkakaedad ng 9-59 months ang nabigyan ng MRV habang 169,768 (92.60%) ng eligible
population na 183,319 ang mga sanggol na nagkakaedad ng 0-59 months ang nabigyan ng OPV.

Nakapagtala naman ang Midsayap ng pinakamaraming bilang ng mga batang edad 9-59 months nabigyan ng MRV at mga sanggol edad 0-59 months na nabigyan ng OPV sa bilang na 15,479.

Matatandaang inilungsad sa Matalam, Cotabato ang mass immunization campaign ng Dept. of Health o DOH at IPHO noong Sep. 3, 2014 kung saan naging hudyat ito para sa serye ng bakuna sa 17 munisipyo at nag-iisang lungsod sa Cotabato.

Layon ng DOH sa pagsasagawa ng mass immunization sa buong bansa ay upang mabawasan ang bilang ng mga sanggol at maliliit na bata na nagkakasakit ng measles at polio hanggang sa tuluyan ng maging zero-case sa bansa ang naturang mga karamdaman.

Target ng IPHO na maabot ang 90-95% ng eligible population o bilang ng mga bata sa Cotabato sa naturang mass immunization.

Una ng inilungsad ng DOH ang nationwide mass immunization campaign noong 2012 kung saan naging epektibo ito at bumaba at nawala ang mga outbreak ng measles.

Kaya naman ngayong taon ay muling isinagawa ang naturang aktibidad upang makamit muli ang zero cases ng measles at polio sa iba’t-ibang lugar sa bansa. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento