by: Mark Anthony Pispis
(Kabacan, Cotabato/ October 16, 2014) ---Gaganapin
ang selebrasyon ng DepED Cotabato Division ang Commemoration ng Global Hand
Washing day sa Midsayap, Cotabato ngayong darating na October 30, 2014.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni Cotabato
Schools Division Superintendent Omar Obas kasabay ng Global Handwashing day
celebration kahapon.
Anya lalahukan ito ng mga personahe mula sa
kanilang kagawaran, Provincial Government of Cotabato at district at field
offices ng Department Education ng Midsayap.
Kasabay umano ng selebrasyon ang pamimigay
ng hand washing materials mula sa Provincial Government sa pangunguna ni Gov.
Lala Talino Mendoza.
Dagdag pa ng opisyal, na layunin ng naturang
programa ay para ipaalam at maisali sa pag-aaral ng mga kabataan ang
kahalagahan ng tamang paghuhugas ng kama hindi lamang sa kanilang paaralan
kundi pati narin sa kanilang pang araw araw na gawain.
Upang mapalakas pa ang kampanya hinggil sa
wastong paghuhugas ng kamay tungo sa mas malusog na komunidad. DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento