(Kabacan, Cotabato/ October 11, 2014) ---Inatasan
na ngayon ni Cotabato Gov. Lala TaliƱo Mendoza ang mga kapulisan na magsagawa
ng malalimang imbestigasyon hinggil sa mga nangyayaring pagpapasabog sa
lalawigan at hulihin ang mga salarin dito.
Sa kanyang official facebook account sinabi
ni Mendoza na ikulong at kasuhan ang mga responsable sa mga nangyayaring
pamomomba sa probinsiya.
Ginawa ng gobernadora ang pahayag matapos
ang panibagong pagpapasabog sa bayan ng Libungan kagabi.
Nangyari ang pagsabog alas 9:00 kagabi
malapit sa isang Ondoy Grocery Store, wala namang may naiulat na nasaktan
maliban na lamang sa nasirang sasakyan na nakaparada sa harap ng nasabing
tindahan.
Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung anu
ang motibo sa nasabing pagpapasabog at isa sa mga anggulong sinisilip ay
pangingikil.
Kaugnay nito, isang press conference naman
ang isinasagawa ngayon sa Cotabato Police Provincial Office hinggil sa
magkahiwalay na insidente ng pagpapasabog sa bayan ng Pikit at Libungan.
Pinangunahan ni P/SSupt. Danilo Peralta ang
Provincial Director ng CPPO ang nasabing punong balitaan na tatalakay sa
kasalukuyang peace situation ng probinsiya, ayon kay PSI Jojet Nicolas, CPPO
spokesperson. Rhoderick BeƱez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento