(Kidapawan City/ October 17, 2014) ---Patay
ang isang Line Inspector ng Weena Bus Company makaraang pagbabarilin sa
National Highway ng Brgy. Balindog, Kidapawan City ala 1:20 ngayong hapon
lamang.
Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si
Arturo Valdivieso, nasa tamang edad at residente ng Toril, Davao City.
Limang tama ng bala ang tumapos sa buhay ng
nasabing biktima mula sa di pa mabatid na uri ng armas.
Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang
imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente upang mabatid ang
motibo sa
nasabing krimen. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento