By: Mark Anthony Pispis
(Kabacan, Cotabato/ October 17, 2014)
---Niyanig ng 4.4 magnitune na lindol ang Kidapawan city alas 2:20 kahapon ng
hapon.
Ayon kay Engineer Hermes Daquipa ng Philippine
Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS Kidapawan sa panayam ng DXVL
News, naitala ang mga pagyanig kahapon na naramdaman ng tao sa Kidapawan, Mlang
at Tulunan na may Intensity 2, at Makilala na may Intensity 3.
Ang dahilan umano ng nasabing
pagyanig ay Tectonic o ang paggalaw ng mga bato sa ilalim ng lupa ng may lalim
na 15 kilometro.
Dagdag pa ni Daquipa na ang lokasyon
o epicenter ng lindol ay nasa Barangay Nueva Vida Mlang, Cotabato at wala daw
itong kaugnayan sa mga nagdaang pagyanig na nag iwan ng pinsala sa iilang
ariarian sa Makilala, Cotabato.
Wala namang naitalang mga pinsala sa
nasabing pagyanig na naitala kahapon.
Samantala, malayo naman daw sa
katotohanang ang nasabing pagyanig ay dahil sa mga aktibidad na ginagawa ng
isang malaking kompanya sa Mount Apo.
Nagpaalala rin ang opisyal sa mga
mamayan ng lalawigan na palaging maging handa kung sakaling meroon mang
maranasan ng paglindol.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento