By:
Sarah Jane Corpuz Guerrero
(Kabacan, Cotabato/ October 16, 2014) ---Sa
katatapos na regular na pagpupulong ng mga miyembro ng Municipal Development
Council ng Kabacan kanina, aprubado na ang Annual Investment Plan ng Lokal na
Pamahalaan ng Kabacan para sa taong 2015.
Ang nasabing AIP ay nagkakahalaga sa
Php 34,059,752.00 o 20% sa kabuoang Internal Revenue Allotment o IRA ng
Munisipyo ng Kabacan na nagkakahalaga sa Php 170, 298,760 para sa taong 2015.
Ang 20% ay ang tinatawag nilang Economic Development Fund.
Naging mainit ang talakayan at diskusyon sa
nasabing pagpupulong lalo pa at naging kritikal ang mga miyembro ng nasabing
konseho.
Isang naging talakayan kanina ay ang paghahanap ng mga miyembro ng MDC
para sa status ng implementation at accomplishments ng Annual Investment Plan
ng taong 2014.
Base naman sa diskusyon isang resolusyon ang napagkasunduan, ito
ay ang pagkakaroon ng komprehensibong accomplishment report na magmumula sa
Municipal Engineering Office at Municipal Accountant at ito ay iprepresenta sa
isang Evaluation Activity.
Binigyan diin ito ni Pastor Daniel Saure na
kinakailangan umano ito upang malaman ang mga naging problema at ang mga dapat
pang gawin sa mga proyektong hindi pa naiimplentar para sa taong 2014.
Ang nasabing AIP ng 2015 ay kinapapalooban
ng iba’t ibang proyekto gaya ng Road rehabilitation projects, Support to
Barangay Development Program, Construction of Day Care Centers, Barangay Health
Stations, at iba pa.
Sa 20% Economic Development Fund o EDF din kinukuha ang
mga kinakailangang counterparts kung mayroong mga special programs galling sa
mga national agencies at international non-government organization.
Si Hon. Jonathan M. Tabara ang siyang naging
presiding officer sa nasabing pagpupulong at ditto kanyang binigyang diin sa
mga miyembro na kinakailangang bigyan ng malaking appropriation ang
pinakaimportanteng sector sa nasabing plano.
Kanya ring hinikayat ang
implementasyon ng 2014 programs at projects.
Nagkaroon din ng presentasyon ng
Reprogrammed from the Economic Development Fund Projects mula sa mga balanseng
pundong hindi nagamit mula taong 2012 hanggang sa kasalukuyan na nagkakahalaga
sa Php 1,980,534.58 pesos.
Ang mga reprogrammed projects ay gaya ng Road
Rehabilitation ng Public Comfort Room sa Public Market at Construction ng BLISS
Bridge sa Barangay Katidtuan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento